Inapela ng Makabayan Bloc ang pagtalakay ng kamara sa muling pagbabalik sesyon nito kahapon, kaugnay sa pagpasa sa P750 National Minimum Wage Billl o House Bill 246.
Layunin ng naturang panukala na magkaroon ng pantay-pantay na minimum na sahod ang mga empleyado sa mga pribadong sektor sa buong bansa.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang isang pamilyang binubuo ng limang miyembro ay kinakailangan ng aabot sa 1,600 piso kada araw o tinatayang P42, 000 piso kada buwan.
Magugunitang, dalawang beses nang ipinanukala ng Makabayan Bloc ang nasabing panukalang batas noon pang 17th and 18th Congress, subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito, natatalakay.— ulat ni Tina Nolasco (Partol 11) at sa panulat ni Joana Luna