Tatapusin ng Kamara de Representates ang pagtalakay sa panukalang pagpapaliban sa barangay at SK elections bago matapos ang Agosto upang agad nang maisumite sa Senado.
Ito ay ayon kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Congressman Sherwin Tugna, matapos na mapagkasunduan sa isang executive session sa Kongreso na ipagpaliban ang barangay at SK elections.
Ani Tugna, bagama’t kailangan pang idaan sa committee hearing at plenaryo ay nakatitiyak siyang hindi na mababago ang desisyong ganapin ang halalan sa Mayo ng susunod na taon.
“Bagamt hindi pa pinal kasi hindi naman talaga yung procedural na pamamaraan para magsabatas ng isang panukala, kailangan dadaan ito sa committee hearing, which is the first reading, plenary, second reading and third reading tapos aantayin namin sa Senado, pero isa na itong masusing pag-uusap na so may bigat na ang petsang yun eh alangan namang i-overturn pa yun ng mga nag-apruba doon sa executive session.” Pahayag ni Tugna
By Krista de Dios | Ratsada Balita Interview