Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na prayoridad na sa susunod na taon ang pagtalakay sa panukalang Department of Overseas Filipino (DOFil).
Gayunman sinabi ni Sotto na magiging depende pa rin ito sa resulta ng mga pagdinig kung aakma ito sa ideyang rightsizing ng burukrasya.
Ayon sa senador, sa ilalim ng DOFil ay pagiisahin sa bagong ahensya ang mga ahensyang may kinalaman sa mga pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Kabilang dito ang Philippine Overseas Employment Administration, Overseas Workers Welfare Administration at iba pa.
Matatandaang una nang sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang urgent bill ang panukalang DOFil.