Sinimulan na ng Philippine and Russian officials ang pag-uusap hinggil sa kung paano makasisiguro ang Pilipinas ng access sa COVID-19 vaccine sakaling makapasa na sa mga clinical trial ang tinutuklas na bakuna ng russia.
Kabilang din sa pinaplantsa ng dalawang bansa ang planong pagtatayo ng COVID-19 vaccine plantation sa bansa.
Base sa naging courtesy call ni outgoing Russian Ambassador Igor Khovaev kay Trade Secretary Ramon Lopez, posibleng magkaroon umano ng pagkaantala sa distribusyon ng vaccines dahil sa laki ng demand nito sa world market.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na nais ng pamahalaan na magtayo ng plantasyon ng bakuna dito sa bansa dahil sa laki ng advantage na maibibigay nito sa atin.
Sinabi pa ni Vergeire, na hindi lamang sa pandemyang ito mapakikinabangan ng pilipinas ang vaccine plantation kundi sa mga darating pang panahon.