Ikinatuwa ng Malacañang ang pagtalon ng Pilipinas sa COVID-19 recovery ranking, kung saan, mula sa ika-57 puwesto ay umakyat ang bansa sa ika-33 puwesto base sa ulat ng tokyo-based business publication na Nikkei Asia.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naging epektibo ang ginawang strategy o diskarte ng bansa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at paglipat ng alert level system.
Sinabi ni Galvez na naungusan na ng Pilipinas ang ibang mga bansa dahil naging maganda ang pakikipag tulungan ng publiko sa mga ahensya ng gobyerno.
Bukod pa dito, naging maganda din ang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic at maayos na pagbabakuna sa bansa.