Tinututukan na ng PHIVOLCS ang lalawigan ng Surigao Del Sur makaraang umabot sa 600 ang naitalang aftershocks bunsod ng magnitude 5.5 na lindol noong isang linggo.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, may tinatawag silang “earthquake swarm” kapag ang lindol ay kumpul-kumpol kung saan may dalawang bagay na maaaring mangyari.
Una, ay maaaring magkaroon ng normal o mahinang pagyanig at ang ikalawa ay ang mas malakas at mapaminsalang pagyanig kung saan posibleng maramdaman ang isang magnitude 8 na lindol.
Sa oras anyang mangyari ito ay agad nilang babantayan ang posibilidad ng tsunami kaya’t mahigpit ang paalala nila sa mga nakatira sa mga dalampasigan na manatiling handa at repasuhin ang kanilang disaster preparedness guidelines.
(with report from Jaymark Dagala)