Nanganganib makaranas ng isang malakas na lindol ang Davao Region.
Ibinabala ito ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) makaraang makatuklas ng mga bagong fault lines sa Davao Region.
Ayon kay Desiderio Cabanlit, Senior Analyst ng PHIVOLCS Southern Mindanao, dinodokumento na nila ang mga lugar kung saan natagpuan ang mga bagong bitak o fault lines, tatlo aniya rito ay matatagpuan sa Davao City.
Batay anya sa kanilang 2010 findings, may mga bagong crack na natagpuan sa baybayin ng Mati sa Davao Oriental at Surigao del Sur na may kakayahang lumikha ng magnitude 8.3 lakas ng lindol.
Nangyari na rin anya ito sa Mati cIty at Monkayo Compostela Valley Region noong 1924 hanggang 1893.
Kamakailan lamang ay nakaranas naman ng 4.7 magnitude ng lindol ang Davao Region.
By Len Aguirre