Dapat gumawa ang Pilipinas ng mga kongkretong hakbang para masolusyunan ang mga kinahaharap na problema at huwag nang dagdagan ito.
Inihayag ito ng PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry kasunod ng mga ulat hinggil sa mga patayan na may kinalaman sa iligal na droga gayundin ang kaliwa’t kanang mga pagdinig ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay PCCI Honorary Chairman at Chief Operating Officer Donald Dee, malaki aniya ang epekto ng mga nabanggit dahil posible aniyang maitaboy nito ang mga potensyal na mamumuhunan sa Pilipinas.
Kung magkagayun aniya, maaaring magresulta ito sa pagtamlay ng kalakalan na siya ring magpapahina sa ekonomiya ng bansa kung hindi ito aaksyunan agad ng pamahalaan.
—-