Naniniwala si Kabayan Party List Representative Harry Roque na hindi solusyon sa problema ang pagtanggal sa puwesto kay PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa.
Sinabi ni Roque na ang karumal dumal na pagpaslang kay Korean executive Jee Ick Joo ay palatandaan na marami pang kailangang ayusin sa sistemang pangkatarungan sa bansa.
Ayon kay Roque hindi lamang kaso ni Joo ang dapat tutukan kundi maging ang dumaraming kaso ng extra judicial killings na dapat na maging hamon kay Dela Rosa para linisin ang kaniyang hanay.
Kung hindi tututukan ang isyung ito inihayag ni Roque na sa bandang huli ay babalikan si Dela Rosa ng mga nangyayaring patayan sa pamamagitan ng ng prinsipyong command responsibility.
By: Judith Larino / Aya Yupangco