Posibleng inside job ang nangyaring pagnanakaw sa mahigit 10,000 yellow license plantes at halos 1,000 license plate sheets mula sa paggawaan nito ng plaka sa Quezon City.
Ipinabatid ito ni Land Transportation Office (LTO) Spokesman Jason Salvador kayat kukuwestyunin nila ang mga empleyadong una nang dinisiplina ng ahensya.
Sinabi ni Salvador na maaaring matagal nang ginagawa ang pagnanakaw ng mga plaka lalo na yung mga yellow plates na nagagamit aniya sa kambal plaka modus ng colorum operators.
Iminungkahi naman ng LTO sa mga motorista na kakabili pa lamang ng sasakyan na mag-apply muna ng virtual plates.
Uubra naman anitong mag-print pansamantala ang mga motorista ng kanilang assigned plate numbers habang hinihintay ang kanilang license plates.
By Judith Larino