Ikinukunsidera na ng gobyerno ang pagtanggal kay Communist Party of the Philippines co-founder Jose Maria Sison sa US terror list.
Ayon kay Labor Secretary at Government Peace Panel Negotiator Silvestre Bello, posibleng simulan na ng pamahalaan ang proseso upang alisin sa terror list si Sison bilang bahagi ng preparasyon para pakikipagkita nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan ay pinaplano na kung mayroong concensus sa panukalang joint ceasefire agreement ay sisimulan nila ito at dalawang principal lamang ang kailangang lumagda na sapat na upang magkita sina Pangulong Duterte at Sison.
Gayunman, hindi idinetalye ng kalihim kung saan at kailan ang pinaplanong pulong ng dalawang leader.
Kasalukuyang nasa Rome, Italy si Bello para sa panibagong round ng peace talks ng gobyerno at NDF-CPP-NPA.
By Drew Nacino