Inihirit ng ACT o Alliance of Concerned Teachers na huwag nang patawan ng buwis ang kanilang matatanggap na honoraria sa darating na eleksyon.
Ayon sa ACT, hindi kailangan patawan ng buwis ang kanilang matatanggap na allowance dahil sinisira nito ang layunin ng ESRA o Election Service Reform Act na bigyan ng kompensasyon ang mga paghihirap ng mga indibidwal na nagse sebisyo sa eleksiyon.
Sa ilalim kasi ng ESRA na napasa noong 2015, binibigyan ng honoraria at allowances ang mga miyembro ng electoral board at papatawan ng 5 percent withholding tax ang mga matatanggap na kompensasyon.
Sa pamamagitan ng isa pang panukalang batas na inihain sa Kamara noong Nobyembre ng nakaraang taon, isinusulong ng grupo na hindi maisama ang honorarium sa computation ng gross income at ma exempt sa income tax.
Kaugnay ng isyung ito, mag ma martsa ang grupong ACT sa tanggapan ng BIR ngayong araw upang igiit ang kanilang hirit na hindi na bawasan ng buwis ang kanilang tatanggapin na honorarium sa darating na eleksiyon.