Target ng Toll Regulatory Board na tanggalin ang cash lanes sa mga tollway ngayong taon.
Ayon kay LTFRB Spokesman Julius Corpuz, nais nilang mapatupad ang isang RFID system sa lahat ng tollway ngayong 2024.
Sa ngayon, kinakailangan gumamit ang mga motorista ng Autosweep RFID sa Skyway, SLEX, NAIAX, Star Tollway, MCX, at TPLEX, habang ang Easytrip RFID naman ang kailangan gamitin sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, at CALAX.
Kaugnay nito, simula na ang pilot run ng nasabing proyekto ngayong araw. - sa panulat ni Charles Laureta