Pinoproseso na ng DOH at Department of Finance (DOF) ang pagtanggal sa Value Added Tax (VAT) sa ilang uri ng gamot na inaangkat sa ibang bansa.
Ayon sa Health Regulatory Team, layuning mailibre o mapababa ang presyo ng mga gamot sa ilalim ng train law para maiwasan ang pagpataw ng dagdag na halaga at matulungan ang mga nangangailangan nito.
Kabilang sa mga gamot na planong isama sa libreng vat ay para sa mga nakakaranas ng hypertension, diabetes, anti-cholesterol, kontra cancer, mental illness, sakit sa bato, tuberculosis at COVID-19.
Sa ngayon, isinasapinal na ng Health Regulatory Team ang kasunduan sa Philippine Competition Commission (PCC) para mas mapalakas pa ang kompetisyon sa lokal na merkado at maibaba pa ang presyo ng mga gamot sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero