Muling inihain ng Makabayan Bloc Congressmen ang mga panukalang batas na layuning tanggalin ang Value Added Tax (VAT) sa utilities at serbisyo.
Ito’y bilang solusyon kontra sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa gitna nang sumisirit na inflation rate.
Sa ilalim ng House Bill (HB) 5994, aalisin ang VAT sa system loss sa kuryente; tatanggalin din ang VAT sa generation, transmission at distribution charges sa HB 5995;
Aalisin din sa HB 5996 ang buwis sa toll fees habang target ng HB 5997 na tanggalin ang tax sa water bills.
Makailang-beses nang ipinanawagan ng Makabayan Bloc ang tanggalin ang VAT sa ilang produkto at serbisyo bilang tugon sa mahal na bilihin at mababang sahod. - sa panulat ni Hannah Oledan