Dapat irekonsidera ng pamahalaan ang pag-terminate sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III oras na ipasa aniya ng US congress ang panukalang batas na naglalayong suspindehin ang ipinagkaloob na security assistance sa Pilipinas.
Ayon kay Sotto, wala nang magiging silbi ang VFA kapag inapruhan ang naturang panukalang batas ni Pennyslvania Representative Susan Wild.
Magugunitang, isinulong na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA makaraang kanselahin ang US passport ni Administration Senator Ronald Bato Dela Rosa.
Gayunman, sinunspinde muna ng Pangulo ang proseso nito dahil hindi umano ito ang tamang pagkakataon para wakasan ang VFA dahil sa kinahaharap na pandemiya. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)