Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa comfort woman statue sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila.
Ayon sa pangulo, maari naman kasi aniya itong mailipat sa ibang lugar upang hindi mainsulto ang Japan.
Una nang tinanggal noong nakalipas na biyernes ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang seven-foot bronze statue ng comfort woman upang bigyang daan ang drainage improvement project sa lugar.
Pahayag pa ng presidente na hindi polisiya ng philippine governement na insultuhin ang ibang bansa ngunit kung itinayo ang naturang istatwa sa pribadong lugar, tiyak naman aniyang pahihintulutan ito ng estado.