Tatanggalin na ang expiry date ng mga prepaid phone card.
Ito ay sakaling lumusot ang isang panukalang batas ni Rep. Winston Castelo na pinamagatang “prepaid load protection act.”
Ayon sa mambabatas, bagama’t convenient sa mga cell phone user ang paggamit ng prepaid call and text card ay sakit naman sa ulo ang expiry date dahil nasasayang ang kanilang load kapag inabot na ito ng expiration.
Giit pa ni Castelo, dapat ding i-regulate ng NTC o National Telecommunications Commission ang mga telcos at protektahan ang mga consumer laban sa tinatawag na “unfair practice.”
By: Jelbert Perdez