Pabor ang Department of Health na luwagan na ang face mask mandate para sa mga non-vulnerable sector at low-risk settings.
Inihayag ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa Budget Briefing ng ahensya sa House Appropriations Committee, na nagpasya sila base sa anunsyo ng World Health Organization na maaari nang tumutok ang face mask mandate sa vulnerable sector.
Nilinaw ni Vergeire na hindi saklaw ng “Optional” na pagsusuot ng face mask ang mga senior citizen, mga may commorbidity, bata, sa mga sumasakay sa mga pampublikong transportasyon at mga crowded area.
Iginiit ng DOH official na walang anumang magiging kompromiso sa pagsusuot ng face masks pero hindi naman idinetalye kung kailan magiging epektibo ang nasabing polisiya.
Samantala, binigyang-diin ni Vergeire na ang pagluluwag sa face mask policy ay hindi nangangahulugang tapos na ang Covid-19 pandemic.