Sa inihaing House Resolution Number 2412, pinasisilip ng Bayan Muna sa Committe on Banks and Financial Intermediaries ang pagpalit sa disenyo ng isang libong salapi.
Ito’y matapos batikusin at kwestyunin ng ilang mga grupo at indibidwal ang pagtanggal sa larawan ng mga bayani.
Batay sa resolusyon ang disenyo ng pera ng bansa ay hindi lamang kumakatawan sa turismo kundi isang paalala sa kasaysayan ng bansa. Ang pag-alis sa larawan ng mga bayani ay isang paraan nang pagbura sa isipan ng mga tao.
Magugunitang, inihayag ni Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na aprubado na ito ng National Historical Commission, BSP Monetary Board at ng opisina ng pangulo na ilalabas sa April 2022. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Joana Luna