Pinatatangalan na rin ng lisensya bilang abogado si Senador Leila de Lima.
Ang disbarment case laban kay De Lima ay isinulong ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na siyang nagsusulong ng petisyong matanggal si De Lima bilang senador.
Pangunahing basehan ng kaso ang mga testimonya ng ilang convicted inmates na kinunsinti at pinagkakitaan ni De Lima ang illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) noong panahon niya bilang Justice Secretary.
Nanawagan din ang VACC sa senadora nna magbitiw na ito sa pwesto dahil na rin sa mga kinakaharap nitong kontrobersiya.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, kung mayroon pang natitirang kahihiyan si De Lima ay dapat na itong mag-resign at bigyan naman ng dignidad ang senado.
Kasama naman ni Jimenez na nanawagan ng resignation ni De Lima sina dating whistleblower Sandra Cam, dating National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Directors Roel Lasala at Reynaldo Esmeralda.
By Len Aguirre | Jelbert Perdez | Bert Mozo (Patrol 3)