Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa na huwag biglain sakaling magdesisyon silang tanggalin na ang ipinaiiral nilang lockdown.
Ayon kay Dr. Takeshi Kasai, regional director ng WHO Western Pacific, dapat ay by phase o unti-unti ang gawing pagtanggal sa lockdown.
Napatunayan na anya na naging epektibo para mabawasan ang pagkalat ng virus ang lockdown kayat hindi maaaring basta na lamang itong tanggalin at ibalik sa normal ang daloy ng buhay.