Hindi pa napag-uusapan ng ilang opisyal ng gobyerno kung tatanggalin na ang mandatory na pagsusuot ng face mask kasunod ng planong paglilipat sa new normal ng bansa.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, hindi pa ito napag-uusapan sa kanilang pulong.
Sinuportahan naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. Na manatili ang pagsusuot ng face mask dahil itinuturing pa itong essential ngayong may pandemya.
Samantala, para naman kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, magulo pa ito dahil sa sitwasyon ng bansa.
Unang inihayag ni Galvez ang plano na posible aniyang maganap sa huling kwarter ng taon. —sa panulat ni Abby Malanday