Maaga pa para tuluyang tanggalin ang mandatoryong pagsusuot ng face mask kahit napag-uusapan na ang pagbaba ng ilang lugar sa alert level 0 dahil sa bumababang kaso ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, walang magiging pagkakaiba ang alert level 0 sa alert level 1 kung luluwagan pa ang restriksyon at maraming negosyo ang magbubukas.
Pero kung sakali aniyang tatanggalin na ang pagsusuot ng mask sa bagong ipapatupad na restriksyon, sinabi ni David na hindi pa handa ang bansa.
Sa 598 na bagong nahawa sa COVID-19 na naitala ng DOH kahapon, mas mababa na ito sa projection ng OCTA na nasa 650.
149 sa bagong naitala ay nanggaling sa NCR, 90 sa CALABARZON at 66 sa Western Visayas. —sa panulat ni Abby Malanday