Tanggalin sa administrasyon ang mga komunista…
Ito ang panawagan ngayon ng isang business leader kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Employers Confederation of the Philippines Chair Emeritus Donald Dee na nakatutok ang mga makakaliwang bahagi gabinete ng administrasyon sa pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya sa halip na unahin ang kanilang tungkulin gaya ng paglikha ng trabaho.
Bagamat walang pinangalanan si Dee, iniuugnay naman dito sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Labor Undersecretary Joel Maglunsod na isang militant labor leader at dating Anakpawis Partylist representative.
Matatandaang kapwa itinulak nila Bello at maglunsod ang 125 pesos na umento sa minimum daily wage ng mga manggagawa.
By Ralph Obina