Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal non-tariff barriers sa importasyon ng bigas at iba pang agricultural products bilang solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation.
Alinsunod sa Administrative Order (AO) 13, partikular inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), National Food Authority (NFA) at Sugar Regulatory Authority Department of Trade and Industry.
Inilabas ng malakanyang ang kautusan matapos irekomenda ng mga economic adviser na agad magpatupad ng hakbang kontra inflation na umabot na sa 6.4 percent noong Agosto kumpara sa 5.7 percent noong Hulyo.
Layunin din ng AO 13 na mapabilis ang proseso ng aplikasyon para sa importasyon at mapunan ang kakulangan sa supply at matiyak na stable ang presyo ng mga agricultural product sa mga pamilihan.