Dapat nang tanggalin ang P10 diskwento sa operasyon ng mga taxi unit sa Metro Manila at gayundin ang P5 discount naman sa Baguio City.
Ito ang inihirit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ng isang grupo ng mga driver at operator ng taxi.
Giit ni Fermin Octobre, National President ng Dumper Phil. Taxi Drivers Associations, malaki ang epekto sa kanilang kita ng mga naging pagtaas sa presyo ng gasolina.
Dahil dito, binigyang diin ni Octobre na napapanahon na upang alisin ang P10 fare discount sa bayad sa taxi.
Dagdag pa ng grupo, magugutom ang pamilya ng mga taxi driver kapag hindi agarang tumalima si LTFRB Chairman Martin Delgra sa kanilang argumento.
Sinabi pa ni Octobre na hindi na makatwiran ang epekto sa kanilang hanapbuhay ng tila wala nang humpay na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
By Jelbert Perdez