Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) sa mga law enforcement agencies na alisin ang pangalan ni Leyte Representative Vicente Veloso III sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pulitikong sangkot sa ilgal na droga o ‘yung mga narco-politicians.
Sang-ayon sa kautusan, pinasisira ang lahat ng mga dokumento, records, o mga impormasyong may kaugnayan kay Veloso na nag-uugnay sa kanya bilang kasapi ng naturang iligal na gawain.
Sa kabila nito, nilinaw ng CA na ang naturang hakbang ay hindi dapat tignang hadlang sa laban ng ehekutibo kontra iligal na droga.
Mababatid na inilabas ang ruling sa naturang isyu matapos na atasan ng CA ang kinauukulang ahensya ng pamahalaan na isumite nito ang lahat ng mga dokumentong may kinalaman sa pagkakasangkot ni Veloso sa naturang narco-list.