Nanawagan sa Pilipinas ang U.S Department of State na tanggalin na ang placement fee para sa mga pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa upang hindi mabiktima ang mga ito ng mga human traffickers.
Ayon kay U.S State Department Ambassador at Large John Cotton Richmond, maraming Pinoy ang nababaon sa utang kahit na hindi pa nakakapagsimula sa trabaho dahil sa nabanggit na bayarin.
Giit ni Richmond, bagama’t hindi labag sa batas ang pagkakaroon ng utang, kinakasangkapan aniya ito ng mga traffickers para ipahamak ang mga aplikante.
Dahil dito, binigyang diin ni Richmond na mahalagang magkaroon ng bagong recruitment system sa Pilipinas upang hindi na magamit ng mga illegal recruiters ang lumang sistema sa kanilang mga iligal na aktibidad.