Tutol ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa panukalang batas na magtatanggal sa compulsary retirement age na 65.
Ipinunto ni ECOP president Sergio Ortiz-Luis na bagaman maaari namang bigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho pa ang mga senior citizen, hindi na dapat pang gumawa ng batas hinggil dito.
Dapat anya ay maging optional lamang kung papanatalihin pa o hindi ang mga empleyadong tumungtong na sa retirement age.
Ipinaliwanag ni Ortiz-Luis na maaaring magkaroon ng negatibong implikasyon ang nasabing panukala, lalo sa mga foreign investor at maaaring makompromiso ang productivity ng isang kumpanya.