Sa gitna ng maritime dispute at peligrosong aktibidad ng chinese vessels sa West Philippine Sea, hinimok ng China ang Pilipinas na alisin ang mga nakasasagabal sa relasyon ng dalawang bansa.
Ito ang naging panawagan ng Tsina matapos ang pag-uusap nina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin at Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa Anhui Province, China.
Nagkasundo rin ang dalawa na dapat ilagay sa isang maayos na konteksto sa bilateral relations ang issue sa West Philippine Sea.
Tiniyak naman ni Wang na laging ikinukunsidera ng China ang Pilipinas bilang prayoridad sa foreign diplomacy at isang mabuting kapitbahay at kaibigan.