Prerogative na ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang sinumang executive official kung wala na siyang kumpiyansa rito.
Ito ang nagkakaisang inihayag nina Senator Ralph Recto, Senator Tito Sotto III at Senator Gringo Honasan makaraang pagbitiwin ng Pangulo sa pwesto si Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago.
Hindi anila nagustuhan ng Pangulo ang pagbatikos ni Santiago sa itinayong mega drug rehabilitation facility sa Nueva Ecija.
Iginiit ni Recto na karapatan ito ng Pangulo pero tila mayroon anyang mali sa naturang pasilidad dahil 10,000 beds lamang ang capacity nito subalit nasa 400 pa lamang ang mga pasyente.
Inihayag naman nina Drilon at Honasan na kung wala ng tiwala ang Pangulo sa isang opisyal ay prerogative na niya na sibakin ito sa puwesto.
—-