Muling inihirit ng Transport network Vehicle Service na Grab sa Land Transportation franchising and Regulatory Board na alisin na ang suspensyon ng kanilang 2 Peso Per Minute travel charge.
Dahil sa suspensyon ng 2 peso per minute travel charge, lumiit na umano ang kinikita ng mga Grab driver.
Ayon kay Leo Gonzales, public affairs head ng Grab, bukas naman silang makipag-usap sa L.T.F.R.B., Department of Transportation at kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles upang magpaliwanag.
Magugunitang iginiit ni Nograles na iligal ang nasabing singil sa pasahe ng Grab dahil sa kawalan ng Public Hearing.