Ipinanawagan ni House Strategic Intelligence Committee Chair at Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel sa gobyerno na alisin na ang suspensyon ng gas at oil drilling activities sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa tapos na aniya ang pag-uusap ukol dito.
Sa ganito aniyang paraan aniya ay maaari na magpatuloy sa drilling o paghuhukay ang pribadong sektor na kinontrata ng gobyerno ng bansa upang bumuo ng Offshore Sampaguita Gas Discovery sa Recto Bank
Samantala, hinihimok naman ni House Ways and Means Chair Joey Salceda ang susunod na administrasyon na muling i-calibrate ang mga tuntunin sa joint development efforts sa China ukol sa mga asset sa WPS. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)