Pinag-iisipan na ni Pangulong Bongbong Marcos na alisin na ang value added tax o vat sa utilities.
Inatasan na ng pangulo si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na pag-aralan ang mga panukalang batas na humihiling na tanggalin na ang vat, partikular sa kuryente.
Ito’y upang mabawasan ang pasanin ng mga mamamayan sa gitna nang walang tigil na pagsipa ng inflation.
Una nang inihayag ni Salceda na noon pang Oktubre siya inatasan ng pangulo na pag-aralang maigi ang mga inihaing panukalang batas.
Samantala, kokonsultahin anya ng kumite ang Department of Finance, lalo’t nagawa naman na ng Kongreso ang nasabing hakbang sa mga water concessionaire.