Sisimulan na ngayong araw na ito ng Commission on Elections ang pagtanggap ng Certificates of Candidacy para sa kauna-unahang 2025 parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay BARMM-COMELEC Director Atty. Ray Sumalipao, maaaring mag-file ng COC ang mga nais kumandidato sa nasabing eleksyon hanggang Nobyembre a-nuwebe.
Binubuo ng 25 distrito ang BARMM parliament: Apat mula sa Tawi-Tawi; walo sa Lanao Del Sur; tig-aapat naman sa Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur.
Kabilang din sa parliamento ang tatlong distrito sa Basilan; at dalawa sa Cotabato City, na sentro ng rehiyon.
Nabatid na inilipat ng poll body ang petsa ng COC filing sa BARMM matapos ang desisyon ng korte suprema na alisin ang lalawigan ng Sulu sa nasabing rehiyon.