Pansamantalang itinigil ng Department of Health ang pagtanggap ng mga deliveries ng face shields mula sa kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceuticals Corporations.
Ayon kay Health Undersecretary Atty. Charade Mercado-Grande, habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon hinggil sa tampering ng manufacturing dates ng mga face shields na binili ng kompanya.
Napagpasyahan ng kagawaran na hintayin muna ang resulta ng naturang imbestigasyon.
Aniya, base sa inilabas na utos ni Health Secretary Francisco Duque III, magsasagawa muna ang kanilang hanay ng comprehensive review sa mga naturang face shields.
Sa kasalukuyan, nasa limang daang libong piraso ng face shield ang naideliver na ng Pharmally sa DOH.