Dahil sa umabot na sa full capacity ang Pasay City General Hospital ay itinigil na muna nito ang pagtanggap ng mga pasyente.
Ayon sa pamunuan ng ospital, punuan na ang kanilang ICU beds, ward beds, ER isolation rooms at maging ang kanilang ER anteroom.
Dahil dito, hindi na muna tatanggap ang pagamutan ng severe at critical covid patients, at maging non-COVID cases ngunit bukas naman sila para sa extreme emergency o life threatening surgical procedures.
Nabatid na nasa 44 health care workers nito ang naka-isolate dahil sa COVID-19 kaya’t kulang rin sila ngayon sa mga staff.