Ipinauubaya ni CSC o Civil Service Commissioner Aileen Lizada sa DILG o Department of Interior and Local Government ang pagbibigay linaw hinggil sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagtanggap ng regalo ng mga pulis.
Ayon kay Lizada, may ipinalabas nang memorandum circular ang DILG noon pang 2016 na nagsasabing hindi maaring tumanggap ng anumang bayad, regalo at ibang pang mahahalagang bagay ang mga tauhan ng PNP.
Nakasaad aniya sa mismong memorandum ng DILG na maituturing na ito bilang paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act.
“A portion ho doon may nakalagay kung ano yung klaseng offenses nila nakalagay grave misconduct, received for personal use of a free gift or any valuable things in the course of official duties or in connection therewith free gift or things is given by any person in the whole for expectations of receiving a favor or better treatment that that according to other persons or committing actions under the Anti Graft Law. Mismong ang emcee nga ng DILG, hindi rin ho sila allowed so it is best that yung department, under which kung saan ang PNP, it is best that the DILG could clarify.”
Samantala, tiniyak ni Lizada na sakaling makatanggap sila ng reklamo kaugnay ng pagtanggap ng regalo ng mga pulis, kanila ito didinggin nang naaayon sa kanilang mekanismo at mandato na isinasaad ng batas.
“Meron ho tayong mga mekanismo provided in the form of batas. Meron ho tayong batas, yung R.A 6713, ito po yung Code of Conduct and Ethical Standards for public officials and employees. Meron din ho tayong R.A 3019, ito po ay ang Anti- Graft and Corrupt Practices Act. Once it reaches CSC, itong mga concerns na ito, we will see it based on our mandate.” — Pahayag ni Civil Service Commissioner Aileen Lizada.
(Ratsada Balita interview)