Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo sa appointment nito bilang co-chairman ng Inter Agency Committee on Anti illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac, ibibigay nila ang kanilang buong suporta at kooperasyon sa bise presidente sa pag-upo nito bilang drug czar ng pamahalaan.
Makaka asa rin aniya ang bise president ng utmost courtesy mula sa hanay ng pulisya.
Giit pa ni Banac, makatutulong ang ginawang pagtanggap sa posisyon ni Robredo para makamit na ang drug free Philippine sa taong 2022.
Magugunitang isa ang PNP sa 20 government agencies na miyembro ng ICAD. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)