Pinag-aaralan na ng US Defense Department ang posibleng pagtanggap sa mga transgender na pumasok sa US military.
Ayon kay US Defense Secretary Ashton Carter, bubuo sila ng working group para pag-aralan hanggang sa susunod na 6 na buwan ang implikasyon sa kahandaan at mga polisiya ng pagtanggap sa mga transgender sa military.
Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal noon ang pagpasok sa serbisyo ng mga transgender at pagkakasibak naman ang kakaharapin ng mga sundalong madidiskubreng transgender.
By Ralph Obina