Ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units at private establishments na gamitin at tanggapin na ang Philippine Identification o Phil-ID card bilang official government-issued identification card para sa lahat ng uri ng transaksyon.
Ayon kay interior secretary eduardo año, sapat na ang naturang i.d. At hindi na dapat maghanap pa ng iba pang identification upang mapabilis ang mga transaksyon sa gobyerno at pribadong establisyimento.
Nakapaloob anya sa Phil-ID ang mga impormasyon hinggil sa isang rehistradong tao kabhilang ang larawan, buong pangalan, petsa ng kapanakan at address.
Taglay din nito ang PhilSys card number, diffractive optically variable image device, QR code at PSN microprint para sa security purposes.
Ang sinumang hindi tatanggap sa PhilSys number nang walang dahilan ay pagmumultahin ng P500,000 habang permanenteng pagbabawalang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan ang mga government official na hindi kikilala sa Phil-ID card. —sa panulat ni Drew Nacino