Kinumpirma na ni vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio na magiging running mate siya ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa 2022 national elections.
Ibinunyag ito ni Mayor Inday sa isang video message sa kanyang official facebook page at account, kahapon.
Sa naturang video, isiniwalat din ng presidential daughter ang pagtanggi ng administration party na PDP-Laban na suportahan ang tambalan nila ni Marcos.
Bandang huli ay nanawagan ng pagkakaisa mula sa taumbayan ang alkalde at suporta upang maipagpatuloy ang sinimulan ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte. —sa panulat ni Drew Nacino