Tiwala ang Task Force Bangon Marawi na walang magiging epekto sa rehabilitasyon ng Marawi City ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang tulong pinansyal mula sa European Union o EU.
Ayon kay Office of the Civil Defense Deputy Administrator for Administration Kristoffer James Purisima, marami pa aniyang mga posibleng donor ang Pilipinas na nangako na magbigay ng tulong.
Dagdag ni Purisima, tumutulong din ang World Bank at Asian Development Bank para makahanap ng mga donors ang bansa para sa rehabilitasyon ng Marawi City mula sa iba pang mga sektor.
Sisimulan na din aniya nila ang pagsusuri sa mga matatanggap na pangakong tulong o pledges at suporta para sa Marawi City rehabilitation mula sa iba’t ibang sektor.