Umapela ng suporta ang Department of Transportation sa publiko na tangkilikin ang Point to Point Bus Service.
Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, ang P2P ang ilan lamang sa mga paraan ng gobyerno upang mapaluwag ang matinding trapiko sa Metro Manila.
Binigyang diin ni Tugade na pagtangkilik ng publiko ang syang magiging susi upang magtagumpay ang naturang proyekto.
Matatagpuan ang 6 na P2P routes sa Trinoma patungong Glorietta 5, Robinsons Galleria patungo sa Park Square sa Makati, Alabang Town Center patungong Greenbelt 1, SM North EDSA patungong SM Megamall, Fairview patungo sa Makati at ang pinakabagong ruta mula Alabang patungong Ortigas.
By: Rianne Briones