Nasa kamay ng Kongreso kung puputulin ng mas maaga o palalawigin pa ang Martial Law sakaling tapos na ang animnapung (60) araw na bisa nito.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, isa lamang ito sa napakaraming safeguards ng 1987 Constitution upang hindi maabuso ang deklarasyon ng Martial Law.
Sinabi ni Alvarez na maaari nilang paagahin ang pagtatapos ng Martial Law kung wala na ang panganib ng terorismo sa Mindanao subalit puwede rin nila itong palawigin ng mahigit sa animnapung (60) araw kung kakailanganin.
Kasabay nito, idinepensa ni Alvarez ang Martial Law sa buong Mindanao sa halip na sa Marawi City lamang kung saan nanggugulo ang Maute Group.
Layon lamang anya nito na mapigilang tumawid pa sa ibang lugar ang kaguluhan.
By Len Aguirre
Pagtapos o pagpapalawig sa Martial Law hawak ng Kongreso was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882