Inihirit ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman sa House Committee on Appropriations na tapyasan ang contigency fund ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit para sa mga foreign trip.
Ito’y sa gitna ng ulat na apatnaraang delegado umano ang bitbit ni Pangulong Duterte sa Israel bagay na itinanggi naman ng Malakanyang.
Ayon kay Lagman, lumobo na sa P13 billion ang contingency fund ng pangulo ngayong taon na dapat ay unti-unting tapyasan.
Masyado aniyang malaki ang nabanggit na pondo para sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Agosto 29 nang aprubahan ng kumite panukalang six billion pesos budget ng Office of the President sa loob lamang ng sampung minuto nang walang kuwestyon mula sa mga miyembro.