Muling iginiit ni Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares ang panawagang ibaba ang ipinapataw na buwis sa bansa.
Ayon sa mambabatas, may 20 taon nang ipinapataw ng gobyerno ang mataas na buwis dahilan kaya’t sobra-sobra na aniya ang nakokolekta nito.
Batay sa kanilang pagtaya, aabot ng P1.9 Trillion ang sobrang buwis na nasingil ng gobyerno mula taong 1987.
Katuwiran ni Colmenares, sadya talagang hindi ginalaw ng gobyerno ang 32 porsyentong tax rate sa mga kumikita ng P500,000 kada taon sa kabila ng pagbaba ng halaga ng pera at pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin.
By: Jaymark Dagala