Inihalintulad ng isang mambabatas sa pagbuhay sa martial law ang pagtarget ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tambay bilang bahagi ng kampanya kontra kriminalidad.
Ayon kay Cong. Tom Villarin, responsibilidad ng pamahalaan ang paglaban sa krimen subalit tila hindi tama ang banta ng Pangulo na ipatapon sa Pasig river ang mga tambay.
Nakakabahala anIya na itinuturing nang banta sa seguridad ang pagtambay sa mga kalsada.
Una rito, inatasan ng Pangulo ang PNP na paigtingin ang kampanya laban sa mga tambay dahil maaari aniyang maging ugat ang mga ito ng kaguluhan.