Maingat ang DOH sa pagtataas ng COVID-19 quarantine restrictions sa buong bansa sa kabila ng banta ng Omicron variant.
Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na “guided by metrics” ang gobyerno sa pagkakasa ng quarantine alert levels sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kaya hindi aniya nila irerekomenda ang alert level 3 sa ibang rehiyon hangga’t walang malinaw na ebidensya hinggil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 tulad ng sitwasyon sa Metro Manila.
Sa ilalim ng alert level 3 ang mga establishments ay papayagang mag-operate sa 30% indoor venue capacity para lamang sa mga fully vaccinated individuals at 50% outdoor venue capacity, kung saan dapat ay nakakumpleto na rin ng dalawang doses ang mga empleyado rito.